Kapag ang isang tao ay matagal ng nagtatrabaho halimbawa sa harap ng kompyuter, mas maiging siya ay manghinamad. Ang nanghinamad ay ang pag-iinat upang maipahinga ang katawan mula sa isang matagal na pagkakaupo, pagkakatayo, pagsusulat o kahit na anong gawain na ginagawa sa mahabang oras. Ginagawa ito kalimitan kapag medyo tinatamad na ang isang tao mula sa matagalang pagtatrabaho . Kapag nanghinamad ka, hindi ibig sabihin noon ay tamad ka, ang ibig lang sabihin nito ay nagpahinga ka saglit upang mas makapagtrabaho ka pa ng mas matagal.