Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Ibig sabihin ng kuro kuro
Ang ibig sabihin ng kuro kuro ay hinuha o pagbibigay ideya sa posibilidad na kalalabasan ng isang pag-aaral o pangyayari.
Ang pagbibigay interpretasyon o kuro kuro ay mahalagang taglayin ng bawat indibidwal sapagkat ito ay nagpapakita ng malalim na pag-iisip tungkol sa mga nangyayari o posibilidad na mangyari sa paligid.
Mga dahilan kung bakit nagbibigay ng kuro kuro ang isang tao
- Upang magbigay ng pahayag sa posibilidad na pangyayari sa isang sitwasyon o bagay
- Makapag-isip ng mga hakbang batay sa mga kuro kuro na mapaunlad ang sariling pananaw.
- Makapagbigay ng matalinong pahayag ukol sa kasalukuyang pananaliksik na ginagawa.
Layunin ng pagbibigay ng kuro kuro
- Pangunahing layunin nito na mapatalas ang isip ng bawat tao sapagkat sa pagbibigay ng mga impormasyon at pahayag ay nahahasa ang isip.
- Tulungan ang tao na makapagbigay ng tamang ideya ukol sa isang sitwasyon.
- Gumawa ng gabay o hakbang sa pag-abot ng mga layunin sa pamamagitan ng isang matalinong kuro kuro.
Mga pangungusap gamit ang salitang kuro-kuro
- Nagbigay ng kuro kuro ang mga dalubhasa tungkol sa pagputok ng Bulkang Taal.
- Ang kuro kuro na bumabagabag sa isip ng ina ni Luisa ay nabigyang linaw ng magbigay pahayag ang isa sa mga kapit-bahay ng mga ito.
- Lubhang nalungkot ang pamayanan sa kuro kurong sinambit ng pangulo ukol sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.
- Nagsagawa ng pagpupulong ang isang grupo ng dalubhasaan sa Pilipinas upang magbigay ng kuro kuro sa kinahaharap na krisis ng mga Pilipinong mag-aaral.
Para sa karagdagang impormasyon maaring magtungo sa link na nasa ibaba:
https://brainly.ph/question/540897
https://brainly.ph/question/1388619
https://brainly.ph/question/2278378
#LearnWithBrainly
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.