Ang nanghinamad ay isang salitang kilos kung saan nag-iinat ang isang tao upang makapahinga ang iba't ibang parte ng katawan o dahil sa pakiramdam ng katamaran. Halimbawa, kapag ang isang tao ay nagtatrabaho sa buong walong oras sa isang araw ay kailangan niyang manghinamad upang makapahinga naman ang kanyang katawan ng kahit ilang mga segundo lamang. Isa ring mabisang paraan ang panghinamad upang maiwasan na may maipit na mga ugat sa katawan bunga ng isang matagalang posisyon sa pagtatrabaho.