Ang damdaming namayani sa hipag ni tiyo Simon sa pagbabalik niya sa Diyos ay pag-asa at pananalig. Pananalig na nakita niya mula sa batang namatay nang masagasaan habang mahigpit na hawak ng nakangiti ang manika. Oo, ganoon din ang aking mararamdaman, sapagkat sa tinagal-tagal ng panahon na lumayo ang loob ni Tiyo Simon sa Diyos ay isang malaking biyaya ang kanyang muling pagbabalik-loob. Ika nga, isang malaking himala sa ilalim ng sikat ng araw sapagkat hindi madaling kainin ang pagiging mapagmataas para bumalik sa Diyos, kailangan nito ng lakas at tibay ng loob.