Ang lipunang sibil ay ang mga organisasyong binuo at itinayo ng mga sibilyan upang matugunan ang kakulangang ng pamahalaan. Isa sa mga halimbawa ng lipunang sibil ay ang grupo ng mga kababaihang tinatawag na "Gabriela". Ang organisasyong ito ay naglalayong isulong ang mga karapatan ng lahat ng kababaihan sa Pilipinas. Ito din ang tumutulong sa mga kababaihang naging biktima ng karahasan at pang-aabuso. Ito ang nagsisilbing tinig ng mga kababaihang walang kakayahang ipaglaban at protektahan ang kanilang mga sarili.