Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Gawain 1 Pamanang Karunungang-bayan, ating Alamin! Panuto: Basahin at unawain ang teksto hinggil sa mga panitikang lumaganap noong Panahon ng Katutubo. KARUNUNGANG-BAYAN -(ka+dunong+ng-bayan) tumutukoy sa salawikain, sawikain, kasabihan, alamat at iba pang anyo ng katutubong katutubong panitikan na mapaghahanguan ng sinaunang paniniwala at halagahan.(bagay na mahalaga sa buhay) Salawikain ay matalinghagang pahayag na ginagamit ng matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihan at kagandahang asal.. Halimbawa: 1.Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon. 2.Kung hindi ukol, hindi bubukol. Sawikain ay salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga at mayroong nakatagong kahulugan; tinatawag din itong idyoma o eupemistikong pahayag. Halimbawa: 1. Malawak ang isip - maraming nalalaman 2. Mapurol ang utak - mahina ang pag-intindi Bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas nang patula at nagpapatalas sa isip ng ating mga ninuno noon. Ito ay nangangailangan ng tiyak na kasagutan. Halimbawa: 1. Limang puno ng niyog, isa'y matayog. Sagot: daliri 2. Hinila ko ang baging, nag-iingay ang matsing. Sagot: kampana Kasabihan ay mga pahayag hinggil sa paniniwala na may kaugnayan sa mga pangyayari sa buhay ng tao na dapat tanggapin o iwasan. Ito ay payak dahil di nagtataglay ng talinghaga. Maaaring parirala o pangungusap, na karaniwang sinasambit sa ngayon o nakaugaliang sabihin ng mga tao sa isang pook ng isang kapanahunan. (E.G Angel at N.V Matienzo) Halimbawa: Kasama sa gayak, di kasama sa lakad.​

Sagot :

sir ano yan pang grade ano po yan grade 5 lang ako ehh