Subukin Paruto: Surin ang mga sumusunod. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang at isulat sa papel sagutan ang letra lamang 1. Si Leah ay nais maging guro pagdating ng araw. Bata pa lamang siya ay ito na talaga ang kanyang nais. Kahit hikayatin siya ng mga kaibigan na kumuha ng ibang kurso sa kolehiyo ay hindi niya ito pinapakinggan. Pag-aaral nang mabuti ang kanyang ginagawa para matupad ang kanyang pangarap. Sa tulong ng gabay ng kanyang magulang ay umaasa siya na matutupad niya ito. Ano ang ipinakita ni Leah sa kanyang pangarap na maging guro kahit hikayatin siya ng kaibigan ay hindi pa rin nagbago ang nais niya?
A Alam talaga angkung ano ang nais sa buhay
B. Nanatiling bukas ang kumonikasyon
C. Ipinakita ang tunay na ikaw
D. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
2. Anong tulong ang ibinigay ng magulang ni Leah upang matupad ang kanyang pangarap?
A Pagganyak sa kanyang pangarap
B. Gabay sa pagtupad ng pangarap
C. Disiplina sa araw araw
D. Kakayahang iakma ang sarili
3. Si Ferdie ay Malaki na ang pinagbago sa pakikipaglaro. Dati gusto niya na lahat ng laruan ay kanya Ngayon marunong na siyang magbahagi sa mga kalaro at hindi na siya nakikipag-away. Si Ferdie ay nagpakita ng
A Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan
B. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
C. Pagtamo ng mapanagutan asal
D. Pagtanggap ng papel sa lipunan
4. Ang mga sumusunod sa paghahanda para sa paghahanapbuhay, maliban sa isa na hindi. Alin ito?
A. Kilalanin ang iyong mga talent, hilig at kalakasan
B. Magkaroon ng plano sa kursong nais C. Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay
D. Magkaroon ng oras sa paglalaro at libangan