Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

Kung pagtutuunan mo ng pansin ang mga bagay na nasa iyong paligid ay marami kang makikitang ebidensya ng mahahalagang implikasyon ng mga likas na yaman sa iyong pang araw-araw na buhay. Halimbawa ay ang mga produkto, gamit at pagkain. Ang mga ito ay dumaan sa mga prosesong simple at yung iba ay sa pabrika o pagawaan pa nagmula. Mayroong maraming paraan ng pagproseso ng mga produkto. Ilan sa mga ito ay ang tinatawag na canning, fermentation at freezing. Isinasagawa ang paraang ito para gawing tapos na produkto ang mga hilaw na materyales. Hindi pa rin naman nawawala ang mga tradisyonal na paraan ng pagproseso sa mga pagkain para maiwasan ang mabilis na pagkabulok nito, tulad ng pagpapausok, pagbilad sa init ng araw, at pag aasin. Sa paglipas ng panahon ay lalo pang ginamit ng tao ang kaniyang kaalaman para malinang ang kayamanan na nasa kaniyang pisikal na kapaligiran. Sagutin: Isulat mo ang iyong ideya sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong. Ano ang naging epekto ng paglinang ng mga likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot. Sagot:​