Ang pagtuklas ng talento, abilidad o kakayahan ay katumbas ng pagtuklas ng iyong sarili. At bago natin pahalagahan at mahalin ang iba, dapat ay sarili muna ang pakamahalin. Maaaring maging susi sa ating tagumpay ang pagkatuklas sa ating bigay-Diyos na talento at kakayahan.
Kagaya ng madalas na naririnig at nakikita sa telebisyon, gayundin sa mga laman ng balita sa ibang bansa kung saan isang tao ang nagpakita ng kaniyang talento at abilidad ay patunay ng nasabing tagumpay. Oo, kung gagamitin at tutuklasin natin hindi lang ang ating sarili kunddi pati mga natatagong abiidad, kakayahan, at talento, maaari tayong maging tulad ng mga taong nakitaan natin ng tagumpay o mas higit panga.
Ipinagkaloob ito sa atin ng Diyos. Kaya bilang pasasalamat, makabubuting tuklasin, gamitin, at ipakita ito. Sa gayong paraan, ay makakamit natin hindi lang ang tagumpay na magmumula sa iba kundi pati na rin ang pansariling tagumpay na nagdudulot ng ligaya.
Sa pamamagitan din nito ay mauudyukan natin ang iba na tularan ang ating ginawa. At magsisilbi pa nga tayong huwaran at ehemplo sa kanilang mga mata. Nawa'y ating ipakita sa lahat na lubusan nating pinahahalagahan ang likas na telento at kakayahan nang sa gayo'y makapag taguyod sa bawa't isa ng kasiyahan.