"Ipalaganap ang Karunungang Bayan upang Isulong ang Natatanging Yaman".
Ang nasa itaas ay isang halimbawa ng slogan tungkol sa karunungang bayan, dunong na dapat pinagyayaman. Ipinapakita sa slogan na ang karunungang bayan ang isa sa mga kayamanan ng bansa bilang bahagi ito ng panitikang siyang naging bunga at saksi ng ating kasaysayan. Nararapat lamang na ito ay ating gamitin at ipalaganap upang manatili itong buhay at aktibo sa bawat puso ng mga Pilipino bilang paalala sa papel na ginampanan nito noong unang panahon.