IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

sino po si jeremy bentham??? summary lng po.....

Sagot :


Si Jeremy Bentham ( /ˈbɛnθəm/; 15 Pebrero 1748 OS – 6 Hunyo 1832) ay isang British na pilosopo, hurista, at repormer ng lipunan. Siya ay itinuturing na tagapagtatag ng modernong utilitarianismo. Siya ay naging isang pangunahing teorista ng Anglo-Amerikanong pilosopiya ng batas at isang radikal na pampolitika na ang mga ideya ay nakaimpluwensiya sa pagunlad ngwelfarismo. Kanyang itinaguyod ang kalayaang indibidwal at ekonomika, angpaghihiwalay ng simbahan at estado, ang kalayaan ng paghahayag, pantay na karapatan para sa mga kababaihan, ang karapatan sa diborsiyo at pagaalis ng kriminalisasyon ng mga aktong homosekswal.Kanyang itinaguyod angpagbuwag ng pang-aalipin, ang pagbuwag ng parusang kamatayan at pagbuwag ng parusang pisikal kabilang sa mga bata. Siya ay nakilla rin bilang maagang tagapagtaguyod ng karapatan ng mga hayop. Bagaman malakas siyang pumabor sa pagpapalawig ng mga karapatang pambatas ng indibidwal, kanyang sinalungat ang ideya ng natural na batas at mga natural na karapatan.

Ipinanganak = 15 Pebrero 1748
London, England

Namatay = 6 Hunyo 1832 (edad 84)
London, England

Panahon  = 18th century -19th century

Eskwela ng pilosopiya = Utilitarianism, legal positivism, liberalism 

Mga pangunahing interes = Political philosophy, philosophy of law, ethics, economics

Mga kilalang ideya = Greatest happiness principle
niNakaimpluwensiya
Lagda