ANG AMA (Maikling Kuwento ng Singapore) Mayroong isang ama na malupit sa kaniyang pamilya at mga anak. Mayroon ding bisyo ang ama at walang oras para arugain ang kaniyang mga anak. Kapag uuwi ito sa kanilang bahay ay madalas itong nagdadabog lalo na kung wala siyang makakain. Lagi rin siyang naiinis sa ingay ng kaniyang mga maliliit pang anak. Madalas din niyang saktan ang kaniyang mga anak. Mabigat ang kamay ng ama sa mga kaawa-awang puslit. Isang araw, umuwing mainit ang ulo ng ama. Nasisante pala siya sa kaniyang trabaho. Panay ang iyak ng sakiting si Mui Mui at hindi mapatigii ng kaniyang mga nakatatandang kapatid. Dahil dito, nainis ang ama at sinapak ang anak na tumalsik naman sa kabilang silid. Nawalan ito ng malay ngunit nahimasmasan din matapos ang dalawang oras. Matapos ang dalawang araw, binawian ng buhay ang musmos na si Mui Mui. Dahil sa nangyari, inuusig ng konsensiya ang ama. Madalas itong mag-inom at makitang humahagulhol. Isang araw, may nag-abulo Ibinili niya ito ng mga bagay na nakalagay sa isang supot. Nagpunta ito sa puntod ng yumaong anak at dito ay lumuhod at umiyak. Iniaalay niya ang mga bagay na iyon sa kaniyang yumaong anak na hindi man lamang nakatikim ng aruga ng isang ama. Alam mo ba... Ang “Ang Ama" ay isang uri ng kuwentong makabanghay na nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari. Mahalagang matukoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at estilo na ginamit ng may-akda. A. Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa inyong sagutang papel. 1.Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? 2. Anu-anong katangian ng ama ang nangingibabaw sa kuwento? Anong bahagi o pangyayari sa kuwento ang nagpapakita ng mga nabanggit na katangian? 3. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpabago sa di-mabutingpag-uugali ng ama? 4. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang anak? 5. Paano nagwakas ang kuwento? 6. Anong kultura ng mga taga-Singapore ang masasalamin sa kuwentong ito? 7. Paano naman ipinakikita ng mga Pilipino ang pagmamahal sa mga namatay na mahal sa buhay?