Ang dawag o tinikan na sa wikang Ingles ay "thistle" ay tumutukoy sa grupo ng mga halaman na matinik. Ito ay mga halamang namumulaklak na ang pangkarinawang katangian ay ang pagkakaroon ng mga dahong may matatalim na tinik sa mga gilid Ang mga matitinik na parte ay maaaring mula sa dahon o mismong sa talulot ng bulaklak. Ang pangkaraniwang katangian ng uri ng halaman na ito ay siyang nagsisilbing proteksyon nito sa sarili upang hindi makain ng mga hayop na herbiboro.
Para sa karagdagang impormasyon: https://brainly.ph/question/286050