I. Tukuyin kung anong misyon ng pamilya ang nagagampanan sa mga sumusunod na pahayag. Isulat kung ito ay Pagbibibgay Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya, o Paghubog sa Pananampalataya.
1. Nakararanas ng kagipitan ang pamilya ni Anne. May sakit ang kanyang bunsong kapatid at nasabay pa na natanggal sa trabaho ang kaniyang ama. Kahit ganito ang kanilang kalagayan ay sama-sama pa ring nanalangin at nagpapasalamat sa Diyos ang kanyang pamilya at nagtitiwala na ang Diyos ang magbibigay sa kanila ng kalakasan at kanilang mga panganagailangan.
2. Tinuturuan ng nakakatatandang mga kapatid na si Trixy at Robert ang kanilang bunso na nasa ikatlong baitang pa lamang sa kanyang mga takdang aralin.
3. Nasangkot sa away na humantong sa pisikal na pagsasakitan si Dustin.Umuwi siya na may pasa sa kanyang mukha. Siya ay napagalitan ng kanyang lola sapagkat ibinilin nito sa kaniya na huwag siyang makikipag away. Ipinaalala muli sa kanya na pillin ang kanyang mga kaibigan.
4. Ginagawa ng mag-asawang Shiela at Ron ang magtiis mawalay sa kanilang anak upang magtrabaho sa abroad at matustusan ang pangangailangan ng mga anak sa pag-aaral.
5. Marunong magbahagi si Carl ng kanyang mga natutunan na aral sa Bibliya sa kanyang mga kaibigan at kamag-aral sapagkat ito ay kanilang sama-samang ginagawa sa kanilang tahanan​