Ang simbolismo ay tumutukoy sa estilo ng pagsusulat kung saan ginagamitan ng malikhain at malawak na pag-iisip at paggamit ng mga tayutay. Ang simbolismo na ginamit sa tulang ang bayani ng bukid ay ang tayutay na menotopiya o pagpapapalit ng tawag. Makikita sa tula na pinalitan ang karaniwang katawagan na magsasaka ng bayani ng bukid sa una at huling bahagi ng tula. Ito ay upang mas maging makulay at makahulugan ang tula tungkol sa mga magsasaka.