Ngayong nalaman na natin ang iba't-ibang batayan sa pinagmulan ng mga unang pangkat ng tao sa Pilipinas, ating tukuyin ang sinasabi sa bawat pangungusap Gawain A Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga tanong na nasa ibaba ng kahon Hanapin sa loob ng kahon ang kasagutan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. a. Ang Alamat ni Malakas at Maganda. b. Bibliya. c. Teoryang Austronesyano. d. Alamat ng Pagluluto ng Luwad. e. Adan at Eba. 1. Ayon dito, ang tao ay nilikha at niluto ni Bathala Laor noong unang panahon. Dito rin hinango ang mga Negrito, Puti, at Kayumanggi. 2. Ayon kay Peter Bellwood, ito ay ang mga ninuno ng mga Pilipino. 3. Ito ay ang mga unang tao nilalang ng Diyos batay sa aklat ng Genesis. 4. Ayon sa batayang ito, ang unang pangkat ng tao ay galing sa kawayan na nabiyak sa pagtuka ng ibon. 5. Ito ang tawag sa banal na aklat ng mga Kristyano na naging batayan sa paglalang ng Diyos sa daigdig.