IDNStudy.com, kung saan ang kuryusidad ay nagtatagpo ng kalinawan. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

Ano-anong mahalagang bahagi ang ginagampanan ng bawat pangkat sa naunang lipunan ng pilipino?



Note: Answer the right answer and pls do not answer if you do not know the answer because i really need the real answer

Sagot :

Answer:

Datu

Ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya ay ang maginoo o datu. Maaring maging datu ang isang kasapi ng barangay sa pamamagitan ng pagmamana, katalinuhan, katapangan, o kayamanan. Nasukat ang yaman ng isag datu sa dami ng kanyang alipin, dami ng pagmamay-aring ginto nya at ng kanyang pamilya, at lawak ng pagmamay-ari nyang lupain.

Maharlika

Sa mga Tagalog, tinatawag na bayani ang mahuhusay na mandirigma. Marami sa mga bayaning ito ay mula sa pangkat ng mga maharlika.

Timawa

Ang mga timawa ay ang malalayang tao at mga taong lumaya mula sa pagkaalipin. Kabilang din sa kanila ang mga inanak o iapo ng mga datu sa kanilang ikalawang pamilya.

Alipin

Alipin (Sa Tagalog)

Aliping saguiguilid

Aliping namamahay

Oripun (Sa Bisaya)

Ayuey

Tumarampuk

Tumataban

Ang alipin (sa mga Tagalog) at oripun (sa mga Bisaya) ang bumuo sa pinakamababang antas ng lipunan noong sinaunang panahon. Maaring naging alipin ang isang tao bilang kaparusahan sa krimen at kawalan ng bayad sa nagawang krimen. Naging alipin din ang mga taong nahuling pumasok sa teritoryo ng datu.

Kababaihan

Ang mga katalonan (sa mga Tagalog) at babaylan (sa mga Bisaya) ang nanguna sa mga panrelihiyong ritwal. Nagsilbi silang tulay sa pagitan ng mga tao at ng mga diyos at diyosa at tagapamagita upang makausap ng mga nabubuhay ang mga yumao.

Explanation:

Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.