IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

paano mo malalaman na nag sisinungaling ang tao​

Sagot :

Answer:

Tingnan mo ang kaniyang mga mata

Ang mata ng isang tao ay tulad din ng kanilang mga bibig, kaya tignan mo kung ang mata ba ng iyong kapareha ay nakatingin sa ibang direksyon habang sinasabi niya kung bakit mas gabi na siyang nakauwi. Habang kung siya ay sanay ng magsinungaling ay kakayanin niyang tumingin sa iyong mga mata upang mapatunayang totoo ang kaniyang mga sinasabi, ngunit ang minsanang pagsisinungaling ay mahuhuli mo kaagad dahil sa pag-iwas nila ng tingin. Ang isang sinanay na mga dahilan ay sinusundan ng pag-ikot ng mata sa ibang direksyon na isang palatandaan na nagsisinungaling siya. Ang pagtingin sa kaliwa ay isa ring indikasyon ng gumagawa lamang siya ng kuwento, ngunit isa lamang ito siyentipikong pagsusuri na kailangan mong alamin mismo.

Pakinggan mo siya

Malalaman mo rin kung siya ay nagsisinungaling sa kung paano siya magsalita. Nagbabago ang pagsasalita lalo na kapag may itinatago ang isang tao, kaya pakinggan mo ang mga tunog na hindi angkop sa normal niyang pagsasalita. Minsan, ang isang pataas na tunog sa hulihan ng kaniyang pagsasalita ay isa ring indikasyon na siya ay nagsisinungaling.

Tignan mo ang kaniyang pagkilos

Minsan iniiwas ng mga tao ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kanilang pagkilos na sumasalungat sa kanilang tunay na intensyon. Ang pagtayo ng tuwid sa harap ng isang tao ay nangangahulugang kaya mong makipag-usap sa kanila ng naharapan, kaya kung iniiwas ng iyong kapareha ang kaniyang ulo papalayo sa iyo, maaaring mayroon ng ibang nangyayari.

Habang ang iba na nagsasabi talaga ng totoo ay uupong nakaharap sa iyo, ang isang sinungaling naman ay para bang nakaupo sa pamamagitan ng kanilang mga hita upang maitago ang katotohanan.

Masyadong detalyado

Pakinggan mong mabuti ang dami ng detalye na sinasabi ng iyong kapareha kapag siya ay nagpapaliwanag. Maaari silang mahuli sa pagsisinungaling dahil sa masyado itong detalyado. Kapag masyadong maraming detalye sa isang kuwento, maaaring sinusubukan ka lamang lituhin ng iyong kapareha sa sobrang mga ipormasyon.

Paggamit ng mga salita

Ang pagpili ng mga salita ay maaring maging daan upang mahuli mo kung nagsisinungaling siya. Iniiwasan nila ang pagsasalungat ng mga salita upang mas magmukhang totoo ang kanilang kuwento at gumagamit sila ng mga negatibong salita sa kanilang pagpapaliwanag. Mapapansin mo rin sa kanila ang paggamit ng kakaunting mga panghalip bilang daan ng pag-iwas nila ng kanilang sarili sa kuwento.

Hindi tuwid ang pagkukwento

Isa sa pinakamadaling paraan upang mahuli mo kung nagsisinungalimg siya ay ang pagsusuri sa kaniyang mga dahilan. Kung ang kanilang pagkukwento ay hindi tuloy-tuloy at pabago-bago ang mga detalye, o inuulit na lamang niya ang kwento at biglang nakaalala ng iba pang mahahalagang detalye, masasabi mo talagang nagsisisnungaling siya.

Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.