Ang mga punongkahoy katulad ng tangili, yakal, apitong lauan at molave ay karaniwang matatagpuan sa Palawan, Quezon, sa mga lalawigang bulubundukin ng Luzon, Bukidnon at Mindanao. Ang mga ganitong uri ng punong-kahoy ay mas madaling lumaki at dumami sa mamasa-masa at makakapal na lupain. Kailangan din na direkta itong makatatanggap ng init o sinag ng araw at ulan upang mas mapadali ang pagyabong. Dahil sa dami, ito ay bumubuo ng halos 75 porsiyento ng mga makakapal na puno sa bansa.