Ang perpektibo, imperpektibo at kontemplatibo ay ang tatlong aspekto ng pandiwa. Ang aspektong perpektibo ay ang mga pandiwang naganap na o tapos na samantalang ang imperpektibo ay ang mga kilos na inumpasahan ngunit hindi pa tapos at kasalukuyang ginawa habang ang kontemplatibo ay tumutukoy sa mga kilos na gagawin pa lamang.
Tingnan sa ibaba ang sumusunod na aspekto ng pandiwa:
Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
sabihan sinabihan sinasabihan sasabihan
ibigay ibinigay ibinibigay ibibigay
gawin ginawa ginagawa gagawin
itapon itinapon itinatapon itatapon