IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Desertification
Ang Desertification ay isang uri ng pagkasira ng lupain kung saan ang isang lupain ay nagiging disyerto at nawawala ang yamang-tubig nito at mga buhay na mga nilalang gaya ng halaman at hayupan. Ito ay karaniwang nang dahil sa pag-abuso ng tao sa lupain. Kaya ang solusyon nito ay magmumula din sa tao.
Mga Dahilan ng Desertification
- Climate Change gaya ng global warming
- Pag-abuso ng tao sa lupa
- Lubhang malaking gastusin para panatilihin ang pagsasaka
- Kawalan ng pangangalaga ng pamahalaan at kahinaan ng mga inilalaang programa
Mga Solusyon ng Desertfication
Ang Desertification ay kinikilalang isang malaking problema na pangglobo na ang epekto. Ang ilang kinauukulan ay nagtatag na ng kani-kanilang programa gaya ng Biodiversity Action Plans upang pigilan ang pagkasira ng yamang -lupa, pagkawala ng mga species ng halaman at hayupan.
- Reforestation
- Paglalaan ng Edukasyon
Reforestation
Isa na dito ay ang reforestation program kung saan ay nagtatanim sa mga lupaing tigang. Ang Programa ng Green Wall of China ang isa sa naging mabuting resulta nito. Ang problema nito, hindi natutugunan ang pagngangailangan ng tubig kung kaya ang naitanim na ay nangangamatay. Malaking pinansyal ang hind naibabalik kaya tumitigil ang operasyon.
Paglalaan ng Edukasyon
Ito ay ibinibigay sa mga lugar na apektado ng deforestation at desertification. Dahil sila mismo ang nakararanas ng kawalan ng hanapbuhay. Ngunit hindi nito naaalis ang impluwensya ng mas malalaking negosyong sangkot sa mga ilegal na pagkasira ng kagubatan.
Ano ang kahulugan ng deforestation? Basahin sa https://brainly.ph/question/180664.
Ano ang solusyon para sa deforestation? Basahin sa https://brainly.ph/question/172555.
Ano ang Kailangan ng Lupa
Ilan pa sa teknik na ginagawa ng mga awtoridad ay ang mga sumusunod:
- paglalaan ng tubig
- pagbibigay ng fertilizers sa lupa
- contour trenching
Maraming mga paraan para muling pasaganain ang lupa gamit ang siyensya ta teknolohiya. Basahin ito sa https://brainly.ph/question/71777.
Pero gaya ng alam natin, simple lamang ang kailangan ng Lupa. Ito ay ang kapahingahan mula sa pag-abuso.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.