Ang mga palamuting gawa mula sa mga bato at buto ng hayop ay napakahusay. Ang mga pigurin na gawa sa bato ay maliliit na representasyon ng mga sinaunang diyosa o mga nakakataas na tao sa kanilang panahon. Ang mga palamuti na gawa sa buto at ngipin ng mga hayop ay mahusay din ang pagkaggawa. Ito ay kinabibilangan ng mga singsing, pulseras at kwintas. Matitibay ang mga ito dahil mapahanggang ngayon, ito ay buo parin kahit ilang libong taon na ang nakalilipas. Ang mga ito ay isang katibayan na ang mga sinaunang tao ay mahusay sa mga likhang sining.