Sa parabulang ito, mapagtanto natin na anuman ang mayroon
tayo, ari-arian ito ng Diyos; tayo ay nakigamit lamang ng mga ito, ayon sa
direksyon ng ating dakilang Panginoon, at para sa kanyang karangalan.
Sa parabulang ito, sinayang ng Katiwala ang kalakal o
ari-arian ng kaniyang panginoon. Tulad
ng tao, tayong lahat ay mananagot sa parehong bayad, ngunit wala tayong ginawa
upang mapabuti ang mga ari-ariang ibinigay ng Maykapal sa atin, sa halip,
nilulustay natin ang mga ito. “ Hindi maitatanggi ng katiwala ang kasalanang kanyang ginawa, dapat niya itong
pagbayaran”. Ang ibig sabihin nito ay,
ang kamatayan ay darating, na hahadlang sa pagkakataong pagbayaran ang mga
kasalanang naggawa natin sa buhay.