Ang ceremonial flint dagger ay isa sa mga artifacts na natagpuan kaugnay sa Catal Huyuk. Ito ay isang uri ng kutsilyo na
hindi ginagamit sa digmaan dahil ginagamit lamang ito sa mga mahahalagang seremonyas
at ritwal noong mga sinaunang panahon. Ito ay yari sa flint, ivory o buto.
Mahalaga ito dahil ito ang nagsisilbing katibayan ng pagkamalikhain ng mga sinaunang taga Catal Huyuk.