Ang mga bansa sa Timog-Asya ay agrikultural sapagkat ang kanilang pangunahing pamumuhay ay pagsasaka--pagtatanim ng palay, jute, trigo, at mga gulay. Pinakamahalagang likas na yaman sa mga bansang ito tulad ng India ang lupa lalo't higit ang mga kapatagan at lambak na pinagyayaman ng ilog ng Indus, Ganges at Brahmaputra.
Makapal din at mayabong ang gubat sa iba pang mga bansa tulad ng Sri Lanka na hitik sa puno ng mahogany at iba't-ibang uri ng palm. Ang iba pang mga bansa sa Timog-Asya ay may mga mayayamang agrikultura.