IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng eksperto. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Si Daruis the Great ay pinutungan ng korona ng pagkahari noong 521 BC/522 BC.
Pinasimulan niya ang paggamit ng mga gintong kuwalta at pinaunlad ang kalakalan
sa loob at labas ng imperyo. Pinahintulutan ni Dario na muling itayo ng mga Hudyo
ang Templo ni Solomon sa Herusalem. Marami rin siyang itinayong mga templo sa Ehipto.Siya
ang pinakaunang Oryental o Taga-Silangang mananakop na nakapagpaabot ng
kaniyang imperyo sa Europa. Ginawa niyang isang magiting at makapangyarihang
hukbong-pandagat sa Asya ang Persiya. Sinimulan at pinaunlad niya ang paggamit
ng mga kuwaltang metal at pinagpare-pareho ang mga ito. Pinasimulan din niya
ang regular na pangungolekta ng buwis, sistema ng mga daan, at maging ang
sistema ng pagpapadala ng mga liham
Pinamahalaan ni Darius ang isang imperyo na umaabot mula sa Ilog Indus
magpahanggang Dagat Aegean, kabilang ang Ehipto at Babilonya. Bilang
paghahambing, hindi nakapaghari ng ganitong kalawak ang Asiria. Itinuturing na
pinakamalaking imperyo na napagmasdan ng mundo ang Imperyo ng Persiya; bukod sa
Ehipto at Babilonia, nasasakupan din nito ang Turkiya, Israel, Hordan, Lebanon,
Siria, Irak, Apganistan, at bahagi ng Hilagang Pakistan.
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.