Bukod sa mga labi ng tao na natagpuan sa tahanan ng mga taga Catal Huyuk, may mga artepakto o artifacts pang natagpuan. Ilan sa mga ito ay ang obsidian arrow head, patung, at ceremonial flint dagger .
Ang ceremonial flint dagger ay isang uri ng kutsilyo na
hindi ginagamit sa digmaan dahil ginagamit lamang ito sa mga mahahalagang seremonyas
at ritwal noong mga sinaunang panahon. Ito ay yari sa flint, ivory o buto.
Mahalaga ito dahil ito ang nagsisilbing katibayan ng pagkamalikhain ng mga sinaunang taga Catal Huyuk.