Makakuha ng mga sagot sa iyong mga pinakamahahalagang tanong sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

ano ang lokasyong bisinal at insular ng asya?

Sagot :

Nczidn
Ito ang kabuuang lokasyong bisinal at insular ng Asya:

Batay sa tradisyon, ang hangganan ng Asya sa hilaga ay mula sa paanan ng Ural Mountains, ang tradisyonal na hangganan ng Europa at Asya, sa baybay-dagat ng Kara Sea sa hilaga ng Siberian, Russia hanggang sa Bering Strait; mula sa Bering Strait tutungo patimog hanggang sa Pacific Ocean, madaraanan ang mga kapuluan ng Japan, Taiwan, hanggang hilaga ng Pilipinas; mula sa hilaga ng Pilipinas tutungo sa Timor Sea; mula rito pakanluran tungo sa Indian Ocean at Arabian Sea, babagtasin ang Red Sea patungo sa hilaga hanggang sa Mediterranean Sea; daraanan and baybayin ng Asia Minor sa bandang Aegean Sea, daraanan ang Caucasus Mountains tungo sa Caspian Sea; at mula sa Caspian Sea tungo sa Ural River pabalik sa Ural Mountains ay bumabagtas mula hilagang kanluran papuntang timog kanluran ng Russia.



Paghihinuha ng Insular na Lokasyon ng Asya:

Ang lokasyong insular ay paglalarawan ng lokasyon ng bansa sa pamamagitan ng mga anyong tubig sa nakapaligid dito.


1. Ang tradisyonal na hangganan ng Europa at Asya, sa baybay-dagat ng Kara Sea

2. (Hilaga)  Russia hanggang sa Bering Strait

4. Mula sa Bering Strait tutungo patimog hanggang sa Pacific Ocean

5. Mula sa hilaga ng Pilipinas tutungo sa Timor Sea; mula rito pakanluran tungo sa Indian Ocean at Arabian Sea

6.  Babagtasin ang Red Sea patungo sa hilaga hanggang sa Mediterranean Sea

7.  Daraanan and baybayin ng Asia Minor sa bandang Aegean Sea

8. Daraanan ang Caucasus Mountains tungo sa Caspian Sea

9. Mula sa Caspian Sea tungo sa Ural River



Paghihinuha ng Bisinal na Lokasyon ng Asya:

Ang lokasyong bisinal ay paglalarawan ng kinalalagyan ng bansa sa pamamagitan ng mga karatig-bansa nito.

1. Ang hangganan ng Asya sa hilaga ay mula sa paanan ng Ural Mountains

2.  Ang tradisyonal na hangganan ng Europa at Asya ay sa hilaga ng Siberian

3. (Hilaga)  Russia hanggang sa Bering Strait

4. Madaraanan ang mga kapuluan ng Japan, Taiwan, hanggang hilaga ng Pilipinas

5. Daraanan ang Caucasus Mountains

6. Pabalik sa Ural Mountains ay bumabagtas mula hilagang kanluran papuntang timog kanluran ng Russia