IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

ano-anu ang mga teorya ng wika?

Sagot :

Teorya ng Wika

Ang pagkakalikha ng wika ay nakabuo ng maraming mga teorya:

  1. Teoryang Bow-bow
  2. Teoryang Pooh-pooh
  3. Teoryang Yo-he-ho
  4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
  5. Teoryang Tata
  6. Teoryang Ding-dong

Teoryang Bow-bow

Ito ang teorya ng paggaya sa mga tunog na naririnig mula sa kalikasan.

Teoryang Pooh-pooh

Ito ay nagsasaad na natutong magsalita ang mga tao dahil sa mga masisidhing damdamin na kanilang naranasan, at nagpabulalas sa mga ito ng mga di-sinasadyang tunog. 

Teoryang Yo-he-ho

Ito ay nabuo dahil sa paggamit ng lakas ay nakalikha ng mga tunog ang mga tao at dahil dito ay natuto silang magsalita.

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay

Sa teoryang ito, ang mga tunog na galing sa mga rituwal na mga aktibidades ng mga sinaunang tao ay nagbigay daan upang magbago at lumago ang pananalita. 

Teoryang Tata

Ito ay ang mga gestures o kumpas ng katawan at kamay ay nagproduce ng mga tunog na ginaya ng mga tao.

Teoryang Ding-dong

Ito ay tulad ng teoryang Bow-wow ngunit isinali ang mga likhang tao tulad ng mga kagamitan at iba pa.

Karagdagang Impormasyon

  • Mayroong mga makabagong teorya ng wika. Basahin sa: https://brainly.ph/question/1498679.
  • Alamin ng higit ang tungkol sa katangian ng multilingguwalismo sa link na ito: https://brainly.ph/question/315285
  • Dito sa Pilipinas, maraming wika ngunit mababasa mo sa link na ito ang pangunahing mga wika: https://brainly.ph/question/742875