Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
Ang isang
huwarang kabataang pandaigdig ay hindi lamang magaling sa paaralan ngunit
mayroon din itong tunay na malasakit sa kapwa at sa pamayanang kinabubuhayan at
mayroong takot sa Diyos na lumikha. Hindi masusukat ang pagiging huwaran sa
pamamagitan lamang ng dami ng medalya at matataas na grado na nakukuha sa mga
pagsusulit sa paaralan sapagkat ang tunay na huwarang bata na maaari mong
iharap sa buong mundo ay ang batang may puso. Puso upang magmalasakit sa ibang
kapwa bata, puso upang hindi maging makasarili at puso na handang maglingkod at
tumulong sa mga nangangailangan. Ang tunay na huwarang bata ay
handang magbigay ng oras sa mga bagay na higit pa sa laro at paligsahan, sila
ay masunuring mga anak at mababait. Mayroon silang pangarap at nagsisikap na
maabot ito kahit mahirap ang buhay. Ang tunay na huwarang bata ay may
tuntuning maging mabuti hindi lamang sa sarili kundi sa lahat at upang ipakita
sa mundo kung ano ang kayang ibigay ng isang bata para sa pagbabago.
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.