Ang kahalagahan ng maritime o insular sa Pilipinas ay malinaw na makikita sa pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino. Ang pagiging insular o maritime nito ay nakakapagpayabong sa turismo ng bansa dahil sa pagpapaunlad ng mga resorts. Marami rin sa mga Pilipino ang nagtatrabaho bilang mga marino sa lokal man o internasyonal na antas upang mapaganda ang takbo ng buhay ng kani-kanilang pamilya at upang makapagpapasok na rin ng mas malaking halaga sa bansa bilang tulong na rin sa ekonomiya.