Ang buhay ng mga tao sa Catal Huyuk ay makikitang payak lamang ngunit masistema na ito at maparaan. Ito ay malinaw na sinasabi mula sa mga labing naiwan ng mga sinaunang tao sa lugar kung saan nalikha at napalago ang kabihasnang naging simula ng iba't iba pang uri ng kabishasnan sa kasalukuyan. Kung antas ng pamumuhay ang pagbabatayan, malayung-malayo ang agwat ng pamumuhay ng mga tao noon a sa kasalukuyan. Makikitang mas moderno at madali ang mga kasangkapan sa bahay, opisina at negosyo na salungat sa payak na antas na pamumuhay ng mga taga Catal Huyuk.