IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Sugnay:
Ang sugnay ay grupo ng mga salita na nagtataglay ng simuno at panaguri at may kumpletong diwa o hindi kumpletong diwa. Ang mga sugnay ay maaaring pangngalan, pang – uri, at pang – abay. Ang sugnay na pangngalan ay karaniwang makikita bilang buong simuno ng pangungusap. Ang sugnay na pang – uri naman ay ginagamit na panglarawan sa pangngalang nauuna rito. Ang sugnay na pang – abay naman ay nagsasaad ng sanhi at bunga.
Kahulugan ng sugnay: https://brainly.ph/question/108556
Dalawang Uri:
- sugnay na makapag – iisa
- sugnay na hindi makapag – iisa
Ang sugnay na makapag – iisa o malayang sugnay ay uri ng sugnay na may simuno at panaguri at naglalaman ng buong diwa.
Mga Halimbawa:
- Binubuhay nilang muli ang taniman sa likod – bahay dahil nais nilang kumain ng gulay ng libre.
- Kung iisipin lang ng tao ang kanilang kapwa, maiiwasan ang paggawa ng masasama.
- Nakasulat si Amir ng isang magandang tula dahil sa kanayang labis na pagmamahal sa kalikasan.
- Sumakit ang aking tiyan kaya’t kinailangan kong lumiban sa klase.
- Kung magkakaroon lang sana ako ng magandang trabaho, hindi na kailangan nila Itay at Inay na magtrabaho sa bukid.
- Umalis ng maaga si Jaime gaya ng bilin ng kanyang ama.
- Dahil mahal niya ang dalaga binigyan ng tsokolate ni Dante si Mina.
- Walong biik ang inihanda ni Mang Menandro para sa kaarawan niya.
- Pupunta ng simbahan sina Jules at Romina upang doon alalahanin ang kanilang ika – sampung anibersaryo bilang mag – asawa.
- Sapagkat maganda ang kanyang pakiramdam, nagluto ng hapunan ang nanay.
Sugnay na makapag iisa: https://brainly.ph/question/1456250
Ang sugnay na di – makapag iisa o di – malayang sugnay ay maaaring may simuno o panaguri ngunit hindi nagtataglay ng kumpletong diwa.
Mga Halimbawa:
- Kung sasama ka sa amin
- Sakaling umulan bukas
- Kahit hindi ka pa tapos
- Kung darating ang iyong lolo at lola
- Kahit gabihin pa tayo
- Sakaling darating sila Jasmine
- Kahit wala pa ang punung - guro
- Kapag umalis ka nang maaga
- Sakaling papayag ang mama mo
- Kahit wala tayong pera
Sugnay na di – makapag iisa: https://brainly.ph/question/2133480
Tandaan:
- Kapag ang sugnay ay ginamit bilang pangngalan, ito ay kumakatawan sa buong simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Oo, hindi na ako babalik ng Saudi.
- Kapag ang sugnay ay ginamit bilang pang – uri, ito ay ginagamit upang ilarawan ang pangngalang sinusundan nito.
Halimbawa:
Ang dahong nalaglag sa lupa ay tinangay ng hangin.
- Kapag ang sugnay ay ginamit bilang pang – abay, ito ay may simuno at panaguri o pangungusap na may pangatnig sa unahang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng dahilan at bunga.
Halimbawa:
Uunlad ang ating pamumuhay kung magsisipag tayo sa ating hanap -
buhay.
Masigasig na tinapos ni Almira ang kanyang kolehiyo.
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na maging aktibo at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.