Ang command economy ay isang uri ng sistema ng ekonomiya kung saan ang kasangkapan at mga makinarya para sa produksyon ay pag-aari ng publiko ngunit ito ay pinamamahalaan ng isang sektor sa ekonomiya. Ang mga bansang mayroong command economy na uri ng sistemang pang-ekonomiya ay ang China, Cuba, North Korea at ang
dating Soviet Union at marami pang iba. Lumalabas na kahit pag-aari ng publiko ang mga makinarya para sa produksyon ay ang pamahalaan pa rin ang nasusunod pagdating sa pagdedesisyon tungkol sa bagay-bagay na may kinalaman sa produksyon.