Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang anyo
ng tubig at Lupa. Ilan sa mga rehiyon at lugar ng bansa ay may mga tampok na
anyong lupa. Ang Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan
ngLaguna ay halimbawa ng bulkang sumasabog sa Pilipinas. Ang bukal naman ay isang anyo ng tubig na
nanggagaling sa ilalim ng lupa . May mga maiinit at malalamig na Bukal sa
bansa. Karamihan sa mga ito ay natatagpuan sa Luzon tulad ng maiinit na Bukal
ng Calamba at Los Banos sa Laguna.
Ang bansang Pilipinas din ay kilala sa
magaganda nitong mga talon na dinarayo ng mga turista. Isa sa mga ito ay ang
Talon ng Pagsanjan sa Laguna. Ang iba
pang talon sa Pilipinas ay ang
Talon ng Tamaraw sa Mindoro,Hinulugang
Taktak sa Antipolo, Daranak sa Rizal, Katibawasan sa Camiguin, at Blanca Aurora
sa Gandara , Samar.
Ang isa pang anyo ng tubig na makikita sa
bansa ay ilog. Ito ay isang anyong tubig na dumadaloy patungo sa dagat. Ito ay ginagamit sa pagdadala ng mga produkto sa
ibang lugar. Maganda rin itong patubig sa mga bukirin. Ang ilan pa sa mahahalagang ilog ay ang Abra at
Laoag sa Ilocos, Agno sa Pangasinan , Pampanga at Angat sa Gitnang Luzon,
Pagsanjan sa Laguna, Marikina sa Rizal, Chico, at Magat sa Lambak ng Cagayan.