Ang nagkalugkugan ay isang salitang-kilos o pandiwa na ang ibig sabihin ay ang paraan ng paggalaw or pagkilos na nagdudulot ng tila nagbubungguan o naglalaglagang mga muwebles na lumilikha ng kakaibang tunog. Halimbawa nito ay ang malakas na paghampas ng hangin kapag may bagyo na maaring magpagalaw o magpaingay sa mga muwebles sa bintana, sa pinto at maaaring sa bubong dulot ng isang malakas na puwersa mula sa labas. Karaniwan itong maririnig o mararanasan kapag yari sa kahoy ang isang bagay dahil mas madali itong tablan ng hampas ng hangin.