Makakuha ng mga sagot sa iyong mga pinakamahahalagang tanong sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

Sinu-sino ang tauhan sa nobelang Ang kuba ng Notre Dame. at ibigay ang diskrisyon.

Sagot :

Mga Tauhan sa Nobelang "Ang Kuba ng Notre Dame"

Ang "Kuba ng Notre Dame" ay isang nobela na tumatalakay sa isang kubang lalaki na palaging kinukutya dahil sa kanyang hitsura at minsan na rin siyang umibig sa isang dalaga. Ang mga tauhan sa nobelang "Ang Kuba ng Notre Dame" ay sina:

  1. Quasimodo
  2. Pierre Gringoire
  3. Claude Frollo
  4. La Esmeralda
  5. Phoebus
  6. Sister Gudule

Quasimodo

Ang protagonistang kuba ng Notre Dame bilang kinukutyang “papa ng k a h a n g a l a n” dahil sa taglay hindi kaaya-aya ang kanyang itsura para sa mga tao sa nobela. Siya ay inabandunang bata na naiwan sa Notre Dame at pinalaki ni Claude Frollo. Mayroon siyang napakalubha at napakalaking hump sa likod (kaya nga hunchback) o sa ibang pagpapaliwanag, siya ay may malalang kakubaan, at mayroon siyang isang higanteng kulugo na halos sumasaklaw na sa isa niyang mata. Dagdag pa rito, siya ay bingi rin. Ang puso ni Quasimodo ay sadyang dalisay at ang kadalisayan na ito ay nakaugnay sa katedral na Notre Dame. Itinuturing na ang kanyang pagmamahal sa mga kampanilya ng katedral na Notre Dame ay para sa napakagagandang tunog na kumakatawan sa kanyang natatanging paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga tao. Sinasabi ring ang kanyang pangalan ay literal na nangangahulugang "kalahati."

Pierre Gringoire

Ito naman ay ang kilalang tauhan na nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar. Isa siyang nagsisikap at nagpapakadalubhasang maging dulang pilosopo. Nasagip siya ni La Esmerelda mula sa pagbitay.  

Claude Frollo

Ang paring antagonista o k o n t r a b i d a. Si Frollo ay hindi tipikal o common na tauhan na may masamang ugali, sa halip, siya ay may pagkamahabagin. Mahal na mahal niya ang kanyang kapatid na si Jehan at ginagawa ang lahat ng kanyang kapangyarihan para lang maging masaya ang kapatid lalo na nung matapos pumanaw ang kanilang mga magulang. Kinupkop din niya si Quasimodo at pilit na tinuturuan para maging iskolar. Tinatayang ipinaliwanag ni Hugo (ang may-akda) na ang paglusong at pa g s a nib ni Frollo sa itim na mahika at k a b a l i w a n ay dahil sa kanyang mga kabiguan na paunlarin sina Jehan at Quasimodo. Si Jehan ay naging m a n g-i i n o m, palaging n a g s u s u g a l gamit ang lahat ng kanyang pera, at talagang nagpapabaya sa kanyang pag-aaral. Habang ang pagkabingi naman ni Quasimodo ay halos imposible na siyang maturuan ng kahit na ano. Si Quasimodo ay naging simbolo ng kabiguan ni Frollo kaya siya na rin ang ginamit ni Frollo na paghihiganti sa mundo para pahinain ang kanyang mga kabiguan.

La Esmeralda

Siya naman ang kilalang dalagang mananayaw. Siya ang nawawalang anak na babae ni Sister Gudule. Popular si Esmeralda bilang isang magandang mananayaw sa kalye habang sinasabayan ang mga himno. Kasama si Djali, ang kanyang kambing, inaakit niya ang lahat ng nanonood sa kanya. Napapahanga niya ang mga manonood sa kanyang nakamamanghang tingin at pama-magic trick. Siya ay naglalagay ng mga anting-anting at iba pang kung ano-anong aksesyora o trinkets sa kanyang katawan at leeg para raw makatulong ang mga ito sa kanya na mahanap ang kanyang mga magulang.

Phoebus

Siya ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian ng Paris. Ang pangalan niya ay Phoebus de Chateaupers. Hindi niya inibig si La Esmeralda, sinusubukan lang niyang akitin at pati na rin ang iba pang mga kababaihan.

Sister Gudule

Ang babaeng dating mayaman pero nasiraan ng bait nang mawala ang kanyang anak na babae. Siya ang matagal na nawawalang ina ni La Esmerelda. Ayaw na niya marinig ang tunog ng mga batang naglalaro. Ayaw niya kay La Esmerelda dahil kumbinsido siya na si La Esmeralda ang gypsy na nagnakaw ng batang inampun niya noon. Pero kalaunan, sa nobela, kapag natutunan niya na si La Esmeralda pala talaga ang kanyang anak na babae, ibibigay ni Gudule ang kanyang buhay para lang mailigtas ang dalaga.  

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang mga sumusunod:

  • Sino sino at paano mag isip ang Mga tauhan sa ang kuba ng notre dame: brainly.ph/question/193750
  • Ano ang makukuha na aral sa kwentong ang kuba ng notre dame: brainly.ph/question/239847
  • Maikling buod ng ang kuba ng notre dame tagalog: brainly.ph/question/196978