Bahagi na ng mga kultura at paniniwala ng mga Tajik ang pagiging matibay ng samahan ng bawat pamilya na nagsimula pa sa kanilang mga ninuno. Ang lahat ng miyembro ng pamilya mula sa pinakamatanda hanggang pinakabata ay nakatira sa iisang tahanan. Napakamaasikaso rin ng mga Tajik sa kanilan mga bisita. Ang kasuotan ng mga kababaihan ay pawang makukulay at mahahaba samantalang nagsusuot naman ng mga makakapal na sombrero at rumol ang mga kalalakihan. Ang rumol ay scarf na kanilang itinatali sa kanilang mga beywang. Makikita ang yaman ng kultura ng mga Tajik sa pamamagitan ng kanilang makukulay na mga tela, sa mga binurdahang mga karpet at mga inukit na bato na karaniwang nakadisplay sa mosque.