Sa aking personal naman na pananaw ay walang masyadong limitasyon pagdating sa kasarian sapagkat naniniwala ako na dapat pantay-pantay ang pagkilala o pagtrato ng bawat isa sa atin kahit anupaman ang kasarian nito. Ang mga limitasyon ay magiging kailangan lamang upang makontrol ang pag-uugali ng mga tao gaya ng paglalampungan ng mga magkasintahan sa mga pampublikong lugar gaya ng dyipni, kainan, parke at marami pang iba. Ang limitasyong ito ay naglalayong pangangalagaan ang reputasyon at integridad ng isang mamamayan na maaaring nagpakita ng mga bagay na ikasasama ng karamihan sa mga tao.