Ang bawat
salik nito gaya ng kapaligirang pisikal (kinaroroonan, hugis, sukat, anyo, vegetation
cover), ang iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig, klima, at likas na
yaman ng isang lugar ay nakapagbigay impluwensya sa pagbuo at pag-unlad ng
kabihasnan ng mga Asyano at patuloy na humuhubog sa kanilang kultura at
kabuhayan. Ang
Asya ay nagtataglay ng samu’t-saring yamang mineral - mga metaliko,
di-metaliko, at gas. Sa mga bundok at gubat ay nakukuha ang mga bungang kahoy,
mga herbal na gamot, at mga hilaw na materyales, bukod sa panirahan ng mga
hayop, lalo na ng wildlife. Ang
paggamit ng tao sa ibat’ibang uri ng anyong lupa ay nakapag-ambag sa paghubog
ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.