Makakuha ng mga payo ng eksperto at detalyadong mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan,pangangailangan, at kagustuhan

Sagot :

Answer:

Ang kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan, pangangailangan, at kagustuhan ay ang pagkukunan ng budgets na dapat ilalaan para sa bawat isa nito. Magagamit din ito sa iba't-ibang kalagayan upang malaan ang yaman sa dapat paglalagyan. Ang alokasyon ay tumutukoy sa paglagay o paglipat sa kahit anumang yaman tungo sa tamang pinaglalaanan. Ito rin ay ang pagsasaayos ng lahat ng pangangailangan sa organisadong paraan at kung paano ito hahatiin ay nakasalalay sa tinatahasan na humawak ng yamang ito upang maibabahagi ang yaman sa tamang paraan.  

Explanation:

Magbigay tayo ng halimbawang paglalaanan ng alokasyon.  

Mga halimbawa ng paggamit ng alokasyon:

1. Pagsasagawa ng mga proyekto ng gubyerno.  

2. Pagpapamahagi ng relief goods para sa mga nasalanta ng kalamidad.  

3. Pagbibigay abuloy sa mga kinakapos.  

4. Pagtulong sa mga indigenous people.  

5. At sa ibang pang mga pinaglalaanan ng budgets.  

Napakahalaga ang alokasyon dahil dito nababatay ang tamang pamamaraan ng paglagay ng yaman sa dapat na kalalagyan nito. Hindi rin maging magtagumpay ang mga proyekto kung walang alokasyon dahil possibling hindi matapos ito dahil maubusan na ng budgets. Kung anong bagay ang naging labas pasok sa ating bansa, ang alokasyon ay pangunang pagtuunan pansin upang maayos ang paglagay ng yaman.  

Kung tungkol naman sa pangangailangan ng tao araw-araw, makakatulong din ang pagkakaroon ng alokasyon dahil dito rin ibabatay ang lahat ng mga maaaring ilabas na pera o kung ano lang ang dapat gamitin upang magamit ito base sa kagustuhan ng tao.  

Anu-ano ngaba ang pangunahing kagustuhan ng tao?  

Kagustuhan ng tao:

1. Pagkakaroon ng bahay.  

2. Sasakyan.  

3. Edukasyon sa mga anak.  

4. Magkakaroon ng mga appliances.  

5. Negosyo.  

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa halimbawa ng alokasyon, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/346159

Maliban dito ang pangunahing pangangailangan din araw-araw ay siyang napakahalaga ng tao.  

Pangangailangan ng pamilya:

  • Pagkain.  
  • Damit.  
  • Kuryente.  
  • Tubig.  
  • Mga kasangkapan sa bahay.  
  • At iba pa.  

Kung ang alokasyon ay mailalaan ng mabuti makakatulong ito upang magkakaroon ng tamang paggamit ng kinauukulang yaman. .  

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kahulugan ng alokasyon? ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/174656

Pwede din isinasantabi muna ang mga masasabing gastusing hindi importante gaya ng panonood ng sine, bagong damit at marami pang bagay na maaaring nakapaloob sa kung tawagin ay kagustuhan lamang. Bagamat ang mga ito ay nagbibigay saya sa atin, importante na sila ay ilagay sa kahulihulihan ng listahan mga pagkakagastusan.

Ang kakapusan naman sa tao ay ang pagiging hindi sapat ng isang bagay. Mahalaga na ito ay matugunan. At ang kakulangan sa ibang bagay tulad ng kagustuhan ay maaaring maghintay. Ang pagsasaayos ng badyet, mga kalakal at patutunguhan nito, pati oras ay mabuting bigyan ng sapat na pagplaplano para maabot ang nais na resulta. Kailangang maintindihan ang kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan, pangangailangan, at kagustuhan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa what is allocation? at ano ang kahalagahan ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/546112