Sa paglipas ng panahon, unti-unting naging kagubatan ang mga lungsod ng National Capital Region. Naging kagubatan ito ng napakaraming tao bunga ng sobra-sobrang populasyon at naging kagubatan na rin ito ng mga nagtataasan at naglalakihang mga gusali. Ang mga gusaling ito ay maaaring mga malls, mga condo units, at kung anu-ano pang mga establisyementong pangkomersyo. Sa laki ng populasyon sa lugar, halos hindi mahulugang karayom ang problemang trapiko dito. Hindi rin maikakaila ang kritikal na kalagayan ng polusyon, malnutrisyon sa mga bata at matatanda. Makikitang halos wala ng makikitang bundok dahil inookupa na ito ng iba't ibang mga gusali. Unti-unti ng umaakyat ang mga gusali sa mga bundok kung kaya't kapag umuulan mistulang isang malaking karagatan ng basura ang buong siyudad.