Isa ang tula sa masining na pagpapahayag ng mga ideya tungkol sa isang tema. Suriin ang tulang tungkol sa nutrisyon sa ibaba.
Ang kalusugan ay dapat pangalagaan
Sapagkat ito ay napakagandang yaman
Na sa wastong timbang ay masasalamin
Ang
kalusugang inaasam ay dapat ng abutin
Tamang
nutrisyon at ehersisyo ang natatanging sagot
Upang
malusog na timbang ay madaling maabot
Kapag
timbang ang problema, laging alalahanin
Nutrisyon
at ehersisyo ay dapat ng suriin.
Simulan ang umaga na laging masigla
Mag-ehersisyo ng maaga
Subukang
gumalaw kahit inaantok pa
At subukang mag-inat ng nakapikit pa
Kumain sa
tamang oras
Ugaliin
at samahan ng gulay at prutas
Upang
kalusugan ay aangat
At
iwasang mangangayayat