Ang mabuting ekonomiya ay produktibo, matalino at malikhain at masinop sa paggamit ng likas na yaman ng isang lugar. Ibig sabihin nabibigyan ng pagkakataon kahit ang mga ordinaryong mamamayan na malayang makikipagkalakalan sa kahit na sino bast ito ay sa legal na paraan. Lahat ng mga mamamayan ay mayroong karapatang maging lubos na produktibo kahit sa kaunting paraan. Matalino dahil mayroon itong kakayahang magdesisyon para sa ikabubuti ng mga tao o ng mga nasasakupan nito at kung ano ang mga epekto ng iba't ibang pagbabago sa mga tao. Ang mabuting ekonomiya ay hindi naninira ng likas na yaman ng isang lugar, mas lalo pa itong nagpapahalag sa mga ito..