Ang antas ng karunungan o literacy rate ay napakalaging bagay para sa kaunlaran ng bansa. Kung ang bansa'y may mataas na literacy rate, ito ay pinaniniwalaang mas matagumpay kaysa ibang bansa. Ang pagkakaroon ng karunungan ay katumbas ng pagkakaroon ng mas magandang estratehiya, pagpaplano o pagpapatupad ng mga makabagong paraan tungo sa kaunlaran ng bawat larangan o aspeto ng bansa tulad ng ekonomiya, agrikultura at idustriya.