IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan?
Nagkakaiba ang pangangailangan at kagustuhan sa tunay na halaga ng bagay na pinagtutuunan nito.
Explanation:
Ang Pangangailangan ay nagtutulak sa indibidwal o grupo na makamit ang isang bagay upang mapunan ang isang mahalagang kakulangan. Ang ano man na masasabing pangangailangan ay hindi maaaring isantabi ng matagal dahil sa kapalit nitong problema.
Narito ang limang halimbawa ng pangangailangan:
- Hangin
- Pagkain
- Tubig
- Tirahan
- Gamot
Alam natin na ang hangin, pagkain at tubig ay mga pangunahing bagay na kailangan ng sino man kung nais mong mabuhay, masasabing hindi posible ang buhay kung wala ang mga ito.
Bagamat maaaring mabuhay ang tao ng walang tirahan, ang pagkakaroon ng sariling bahay ay mahalaga sa pagkatao ng sino man dahil sa dala nitong katiwasayan at katahimikan ng buhay.
Ang pagkakasakit at ang hirap na kaakibat nito ay nagdadala ng pangangailangan sa gamot. Ang hindi pagtugon dito ay nangangahulugan ng paglala ng karamdaman na maaaring magdulot ng habang buhay na pasakit o kamatayan.
Ang bawat isa sa atin ay mayroong matatawag na kagustuhan, tunay na bagay man o hindi, ito ay sumasakop sa malaking bahagi ng ating kaisipan at kung minsan ay daig ang talino sa larangan ng pagbuo ng desisyon.
Narito ang ilang halimbawa ng kagustuhang hindi nahahawakan (intangible)
- Kapangyarihan (power or dominance)
- katanyagan (fame)
Ang kapangyarihan ay karaniwang kagustuhan ng mga taong nasa larangan ng politika, malalaking negosyo (CEO) at ano mang posisyon na naglalagay sa isang indibiduwal sa nangingibabaw na katayuan (dominant position).
Ang katanyagan ay hinahabol ng marami dahil sa dala nitong kaligayahan, may kaakibat din itong gantimpala na pinansyal sa mga mapalad. Ang mga artista, politiko at mga indibidwal na mahilig sa social media ay ilan lamang sa mga may kagustuhan ng katanyagan.
Ang mga kagustuhan na materyal ay masasabing natural na sa makabangong panahon. Sa ano mang kadahilanan ay tila may kumakalabit sa atin at nagpapaalala na kuhanin ang ating mga kagustuhan.
Halimbawa ng mga kagustuhan:
Bagong cellphone bagong sapatos bagong damit pinaka huling modelo ng sasakyan mga bagong kasangkapan sa bahay.
Mahalaga din nating tandaan na ang pangangailangan at kagustuhan ay nakabatay sa kultura, relihiyon, heograpya, at pagkatao ng indibidwal o grupo. Hindi nagkakalayo ang mga pangangailangan ng mga katutubo at mga nasa modernong lungsod, ngunit malaki ang agwat ng mga kagustuhan ng dalawang pangkat.
I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:
Definition and meaning of wants https://brainly.ph/question/285048
Example of basic needs https://brainly.ph/question/645012
Give some examples about wants and need. https://brainly.ph/question/246637
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.