Sa halip na
matuwa, na siyang inaasahan ni G. Loisel ay padabog na inihagis ni Mathilde sa
ibabaw ng mesa ang paanyaya. Ayaw niyang dumalo sa kasayahan sapagkat wala siya
maisuot na bestida. Upang pumayag ito, binigyan ni G. Loisel ng pera upang
bumili ng bestidang magiging kasiya-siya sa at maaari pang gamitin sa mga ibang okasyon.
Ngunit para kay Mathilde, ang
magarang bestida ay hindi sapat, gusto niya ng kwintas. Dahil sa kawalan ng
perang pambili, naisip ng asawa na humiram sa kaibigan nilang si Madam
Forestier. Nang makuha na ni Mathilde ang gusto niya, pumayag na itong pumunta
sa idinaraos na kasiyahan.