Ang pag-usbong ng teknolohiya
at pagunlad ng ekonomiya ay dulot ng makabagong imbensyong makinarya at mga
makabakong pamamaraan sa paglinang ng ating likas na yaman. Ang globalisasyon
ay isa sa mga bagay na nagbibigay ginhawa sa atin at ang industriyalisasyon
naman ay may malaking bahagi sa pag-unlad ng ating pamumuhay. Sa kasalukuyan,
ang mga tao ay patuloy na umangkop sa mga pagbabago na nagaganap at patuloy na
nakibagay sa mga paraan ng pamumuhay. Dahil dito, nahubog ng mga tao ang istilo
at estratehiya sa pamumuhay upang mas matugunan ang pangangailangan at
kagustuhan sa buhay.