Maligayang pagdating sa IDNStudy.com, ang iyong platform para sa lahat ng iyong katanungan! Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Tula: Pagpapahalaga sa pagiging Asyano
Sagot:
Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagpapahayg ng pananw at damdamin ng manunulat ukol sa isang partikular na bagay o emosyon. Malaya siyang gumamit ng iba’t ibang salita na higit na makapgapapahayag ng kaniyang nais sabihin. Maaring may mga malalim na salita ang tula, ipapahiwatig niya ang mga anyo, kulay, emosyon, at mga suliranin na bumabagabag sa kaniya. Halimbawa ng mga kilalang tula ay:
- Sa aking mga Kabata (Dr. Jose Rizal)
- Bayan Ko (Jose Corazon De Jesus)
- Ako’y Pilipino (Teodoro E. Gener)
Tula tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging Asyano
Iba ang itsura, kutis, katangian
Kung ihahambing ito sa ibang dayuhan;
Sa tono ng pananalita hanggang sa hubog ng mukha;
Panlabas na anyo’y ikinukumpara, ano ang halaga?
Sa wika, sa kultura tayo’y higit na mayaman
Mula sa ikalaliman ng dagat hanggang sa lupang tanawan;
Walang kasing dami ang bilang ng kagubatan;
Mga kintab ng hiyas, tunay na nasa mamamayan
Munting Asyano, tunog ng huni man ay maliit,
Karikitan ay tagos abot hanggang sa langit
Takpan man ang liwanag,
Kagitingan at puso’y higit na mas magliliyab.
Paliwanag:
Pagpapakita ng pagkakaiba ngunit pagtanggap sa sarili, ang pagpapahalaga sa pagiging asyano ay pagpapahalaga rin bilang isang indibidwal na mayroong sariling personalidad, katangian, kakayahan, at angking kagandahan. Madaming uri ng tao sa mundo, magkakaiba sa lahi, sa pagsasalita, hanggang sa kulay ng kutis. Ang pagiging asyano ay hindi isang kamalian, o isang katangian na hindi dapat ipagmalaki. Sapagkat ito ay ang ating pagkakakilanlan, tama lang na ito’y pahalagahan at huwag ipagkaila.
Para sa iba pang impormasyon tulad nito i-click ang mga link sa ibaba:
Ano ang tula?: https://brainly.ph/question/1857679
Tula tungkol sa asya: https://brainly.ph/question/2269439
Tula tungkol sa kasaysayan ng asya: https://brainly.ph/question/297117
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.