Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Ibigay ang kahulugan ng mga may ( ) na salita sa pangungusap mula sa akda.

1. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng ( bagong panahon ).
2. Balang araw, maaaring ( lumuwag ang tali ) at kami'y makalaya sa pagkakaalipin.
3. Kinakailangang ( ikahon ) ako, ikulongat pagbawalang lumabas ng bahay.
4. Hindi ako ( nabibilang ) sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid.
5. Kay tagal na inasam ang ( emansipasyon ), ang paghihintay sa pagpapahalaga o pagkakaligtas sa pagkaalipin na inasam.

Sagot :

1. Ang bagong panahon sa pangungusap na ito ay tumutukoy sa iba at modernong panahon na malayung-malayo sa panahong kinasasadlakan ng taong nagsasalita. Ito yung mga panahon kung saan malaya ang lahat na gawin ang mga bagay na gusto nito.
2. Ang lumuwag ang tali ay nangangahulugan na hindi na masyadong hihigpitan, hindi na magiging sobrang higpit sa pamamalakad ng mga batas at magkaroon na ng konting kalayaan mang lang.
3. Ang ikahon ay tumutukoy sa pagkabilanngo o hindi pagbibigay ng karapatang makisalamuha at makipag-ugnayan sa mga tao sa labas ng bahay.
4. Ang nabibilang sa pangungusap na ito ay nangangahulugang bahagi o parte ng isang lahi.
5. Ang emansipasyon ay nangangahulugang pagiging malaya sa lahat ng uri ng mga hindi makatarungang kultura at paniniwala ng nakaraan.